Skip to Main Content

Paano Sumali

Ano ang QUEST Integration?

Ang QUEST Integration, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa estado ng Hawai‘i, ay nagsisilbi sa mga tao na may pagkakaiba-ibang pangangailangan. Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa paghahanap ng doktor. Marami kami na puwede mong pagpilian.

Ipinagmamalaki naming tulungan ang mga residente ng Hawai‘i na magkaroon ng mas mahusay at mas malusog na buhay. Para maisakatuparan ito, gumawa kami ng isang programa para sa buong estado. Ngayon, ang lahat ng miyembro ng Medicaid sa Hawai‘i ay magkakaroon na ng pag-akses sa mga pinamamahalaang serbisyo sa pangangalaga!

Sino ang Karapat-dapat?

Ang pagiging kwalipikado sa programa ay tutukuyin ng Med-QUEST.

Ano ang Mga Benepisyong Matatanggap Ko?

Kabilang sa mga benepisyo ang mga sumusunod, pero hindi limitado sa mga ito:

  • Mga immunization para sa mga bata
  • Transportasyon papunta at mula sa mga medikal na appointment (kapag kailangan at kapag may medikal na pangangailangan)
  • Saklaw sa gamot
  • Mga programa sa pamamahala ng pangangalaga
  • Pag-akses sa ang aming libreng tawag na Linya para sa Pagpapayo ng Nars 24 na oras kada araw sa 1-800-919-8807
  • Mga serbisyo ng interpreter
  • Serbisyo sa customer

May Mga Tanong?

Mangyaring tumawag gamit ang libreng tawag na numero sa 1-888-846-4262 (TTY 711).