Skip to Main Content

Mga Benepisyo

Ang mga miyembro ng ‘Ohana CCS ay may pag-akses sa maraming mga benepisyo sa kalusugan ng pag-uugali. Makikita mo rito ang ilan sa mga itinatampok.

Para sa kumpletong mga detalye, tiyaking repasuhin ang Handbook ng Miyembro.

Mga Detalye ng Benepisyo

Mga Dyagnostiko

  • Pangkaisipang pagsusuri
  • Saykayatriko o pangkaisipang pagsusuri at paggagamot (kabilang ang neuropsychological na pagsusuri)
  • Psychosocial na kasaysayan
  • Screening at pagsubaybay na paggamot para sa pag-aabuso ng sustansiya at karamdaman sa pag-iisip
  • Kabilang sa iba pang medikal na kinakailangang dyagnostikong serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali ang mga pagsusuri sa laboratoryo

Mga Serbisyo Laban sa Pagkagumon

Mga Serbisyo sa Karamdaman sa Paggamit ng Droga

Ang Ohana Health Plan CCS ay nakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng Kalusugan Dibisyon ng Alkohol at ng Pag-abuso sa Droga (Department of Health Alcohol and Drug Abuse Division, DOH-ADAD) upang makatulong na matugunan ang mga pangangailangan ng aming mga miyembro na may Karamdaman sa Paggamit ng Droga. Ikinonekta nila ang mga miyembro sa mga ADAD na espesyalista sa loob ng aming Network ng Tagapagbigay ng Serbisyo.  Kailangan mo ba ng tulong sa pag-akses sa mga tagapagbigay ng serbisyo na ito para sa paggamot sa karamdaman sa paggamit ng droga? Mangyaring makipagtulungan sa iyong CCS na tagapamahala ng kaso, o kontakin ang aming Mga Kinatawan ng Serbisyo sa Kostumer gamit ang libreng tawag na numero sa 1-866-401-7540 o TTY/TTD 711.  Bilang kahalili, maaari mong ma-akses ang mga ADAD na tagapagbigay at paggamot sa karamdaman sa paggamit ng droga 24/7 sa pamamagitan ng pagtawag sa linya ng Hawaii CARES: 

Oahu: 1-808-832-3100

Mga Kalapit na Isla: 1-800-753-6879

Mga Serbisyo para sa Dependensiya sa Alak at Kemikal

  • Nasasaklawan nito ang lahat ng medikal na kinakailangang serbisyo.

Mga Serbisyo sa Pamamahala sa Methadone

  • Kasama rito ang pagbibigay ng methadone o angkop na kahalili (ibig sabihin LAAM o bupernorphoine) pati na rin ang mga serbisyo sa pagpapayo ng outpatient.

Mga Inireresetang Gamot at Pamamahala ng Gamot

Pamamahala sa Gamot

  • Pagsusuri ng gamot
  • Pagpapayo at edukasyon sa gamot
  • Mga psychotropic na gamot

Mga Inireresetang Gamot

  • Nasasaklawan ng plano ang mga gamot na nakalista sa Listahan ng Mas Gustong Gamot (Preferred Drug List, PDL)
  • Ang listahang ito ay magkakaroon din ng mga gamot na maaaring may limitasyon gaya ng paunang awtorisasyon, mga limitasyon sa dami, step therapy, mga limitasyon sa edad, o mga limitasyon sa kasarian
  • Maaaring masaklaw ang mga alternatibong gamot sa pamamagitan ng paunang awtorisasyon

Mga Serbisyo para sa Emerhensiya at Krisis

Mga Serbisyo para sa Krisis sa Kalusugan ng Pag-uugali

  • 24 na oras, 7 araw sa isang linggo na interbensyon sa emerhensiya/krisis
  • Mobile na pagtugon sa krisis
  • Pagpapapanatag ng krisis
  • Hotline sa krisis
  • Mga serbisyo sa residensyal na krisis

Departamento ng Emerhensiya [Emergency Department (ED)]

  • Anumang nasasaklawang serbisyo sa inpatient at outpatient na ibinigay ng kwalipikadong tagapagbigay; ang mga serbisyong ito ay kinakailangan upang masuri at ma-stabilize ang isang emerhensiya na kondisyong medikal
  • Ang isang pang-emerhensiyang kondisyon na medikal ay dapat na maging resulta ng isang matinding karamdaman sa pag-iisip (serious mental illness, SMI) o matindi at hindi gumagaling na karamdaman sa pag-iisip (serious and persistent mental illness, SPMI diagnosis)
  • Hindi maaaring tanggihan ng planong pangkalusugan ang bayad para sa mga serbisyong ito, kapag iniutos ng isang kinatawan mula sa planong pangkalusugan na humanap ang miyembro ng mga serbisyo

Agarang Pangangalaga

  • Nasasaklawan ayon sa pangangailangang medikal. Hindi nangangailangan ng paunang awtorisasyon.

Trabaho

Mga Sinusuportahang Serbisyo sa Trabaho

  • Serbisyo sa pagsusuri ng trabaho
  • Serbisyo bago ang pagtatrabaho

Pagpapa-ospital

24 na Oras na Saykayatrikong Pagpapa-ospital para sa Inpatient

  • Kwarto at pamamalagi
  • Pangangalaga
  • Mga medikal na panustos, kagamitan at mga gamot
  • Mga serbisyo sa dyagnosis
  • Mga saykayatrikong serbisyo
  • Iba pang serbisyo ng practitioner ayon sa pangangailangan
  • Terapi para sa pisikal, occupational, pagsasalita at wika
  • Mga serbisyo para sa post-stabilization
  • Iba pang kinakailangang mga serbisyong medikal

Parsyal na Pagpapa-ospital o Intensive na Pagpapa-ospital para sa Outpatient, kabilang ang:

  • Pamamahala sa gamot
  • Mga inireresetang gamot
  • Mga medikal na panustos
  • Mga dyagnostikong pagsusuri
  • Mga therapeutic na serbisyo, kabilang ang indibidwal, pampamilya, at panggrupong terapi, at pangangalaga pagkatapos nito
  • Iba pang kinakailangang mga serbisyong medikal

Pamamahala ng Intensive na Kaso

  • Pag-aayos ng pangangalaga sa pag-uugali, pangangalagang medikal at pangangalaga ng parmasya
  • Tulong sa pagkuha ng pagkain at pabahay
  • Tulong sa pagkuha at pagpapanatili ng pagiging kwalipikado para sa pangkalahatang tulong o mga benepisyo ng Social Security
  • Pagsubaybay at pamamahala sa gamot
  • Pagpaplano sa paglabas ng ospital
  • Mga serbisyo para sa krisis

Mga Serbisyo sa Tirahan at Pamumuhay

Residensyal na Paggagamot at Paggagamot para sa Outpatient

  • Serbisyo sa pagsusuri ng trabaho
  • Intensive na programa para sa outpatient
  • Pang-araw na paggagamot
  • Mga serbisyo sa residensyal na paggagamot
  • Psychosocial na rehabilitasyon