Mga Madalas Itanong
Narito ang Isang Listahan ng Mga Madalas Itanong Tungkol sa ‘Ohana Health Plan.
Kung mayroon kang anumang mga katanungan, mangyaring tawagan ang Serbisyo sa Kostumer sa 1-888-846-4262 (TTY 711). Puwede mo ring isumite ang iyong mga tanong online.
T: Ano ang ‘Ohana?
S: Ang ‘Ohana ay isang planong pangkalusugan na iniaalok ng WellCare Health Insurance. Nagbibigay ang kumpanya ng mga planong pangkalusugan at plano sa inireresetang gamot ng Medicaid at Medicare. Naglilingkod ang WellCare sa milyon-milyong miyembro.
T: Ano ang Planong Pangkalusugan sa Pinapamahalaang Pangangalaga?
S: Maraming tao na ngayon ang kumukuha ng kanilang mga benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng mga planong pangkalusugan sa pinapamahalaang pangangalaga. Sa isang planong pangkalusugan sa pinapamahalaang pangangalaga, nakukuha ng mga miyembro ang lahat o halos lahat ng kanilang mga serbisyo sa Medicaid mula sa iisang organisasyong may kontrata sa estado. Ang mga pinamamahalaang plano sa pangangalagang pangkalusugan ng ‘Ohana ay naka-kontrata sa Kagawaran ng Serbisyong Pantao ng Hawai‘i (Hawai‘i Department of Human Services).
Nakikipagtulungan ang mga plano ng ‘Ohana sa:
- Mga doktor
- Mga Espesyalista
- Mga ospital
- Mga Laboratoryo
- Mga provider ng mga serbisyo sa tahanan at komunidad
- Iba pang pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan
Ang mga tagapagbigay ng serbisyo na ito ang bumubuo ng network ng tagapagbigay ng serbisyo ng plano. Nagbibigay sila ng mga benepisyong iniaalok ng Medicaid.
T: Ano ang QUEST Integration?
S: Ang bagong QUEST Integration na programa ay isang pinagsama-samang iba’t ibang programa, kabilang ang QUEST at QExA, sa iisang programa para sa buong estado na nagbibigay ng mga pinamamahalaang serbisyo sa pangangalaga sa lahat ng mga miyembro ng Medicaid ng Hawaii. Kabilang sa mga miyembro ang mga indibidwal, pamilya, at batang nabibilang sa may mabababang kita, at mga taong may edad na, bulag at/o may kapansanan.
T: Paano ko malalaman kung kwalipikado ako?
S: Sinisilbi ng QUEST Integration ang mga miyembro ng Medicaid sa Hawai‘i na nakakatugon sa tiyak na mababang kita at iba pang kinakailangan. Ang pagiging kwalipikado sa programa ay tutukuyin ng Med-QUEST.
T: Puwede ba akong pumili ng bagong PCP, o puwede ba akong magpalit ng PCP, online?
S: Oo. Gamitin ang aming tool na Maghanap ng Provider para humanap ng bagong PCP. Para palitan ang iyong PCP online, kakailanganin mong magrehistro sa aming secure na portal. Mabilis at madali ito.
T: Paano maibabalik ang ibinayad ko sa isang gamot na saklaw ng Listahan ng Preferred na Gamot (Preferred Drug List o PDL) ng 'Ohana?
S: Puwede kang humiling ng Direktang Pag-reimburse sa Miyembro (Direct Member Reimbursement o DMR).
Pakilagay sa bawat kahilingan:
- Isang nakumpleto at nilagdaang form ng DMR
- Isang detalyadong resibo ng reseta (hindi tatanggapin ang mga nakasulat-kamay na resibo) o printout ng parmasya kung saan nakasaad ang mga sumusunod:
- Pangalan ng miyembro
- Pangalan ng parmasya
- Pangalan ng doktor
- Pangalan ng gamot
- Tapang ng gamot
- Bilang ng na-dispense
- Suplay para sa Isang araw
- Halagang ibinayad mo
- Resibo mula sa cash register na nagpapakita ng petsa kung kailan binayaran ang gamot at kung magkano ang halagang ibinayad
T: Sino ang puwedeng tawagan ng mga miyembro para sa higit pang impormasyon?
S: Maaaring tumawag ang mga miyembro sa Serbisyo sa Kostumer ng ‘Ohana kung nagkakaproblema sila sa:
- Isang provider ng serbisyo
- Pag-access sa pangangalagang pangkalusugan
- Mga serbisyong natanggap
Maaaring kontakin ang Serbisyo sa Kostumer Lunes–Biyernes sa 1-888-846-4262 (TTY 711) 7:45 a.m. hanggang 4:30 p.m. HST.
Maaari kaming kumuha ng mga interpreter para sa lahat ng wika. May mga materyales kami na available sa Ilocano, Vietnamese, Chinese (Traditional), Korean, malalaking print, audio tape, at Braille. Available din ang mga serbisyo para sa sign language para sa mga miyembrong may kapansanan sa pandinig. Ang lahat ng serbisyong ito ay available nang walang bayad.
T: Ano ang QUEST Integration Ombudsman Program?
S: Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Serbisyong Pantao ng Hawai‘i (Hawai‘i Department of Human Services, DHS) ang Medicaid Ombudsman na Programa. Nagbibigay-daan ang programang ito sa Hilopa‘a, isang independiyenteng tagarepaso, upang repasuhin ang mga alalahanin at reklamo sa mga planong pangkalusugan ng Medicaid. Sa pamamagitan ng mga malalaman nila, matutulungan nila ang mga plano na maabot ang mga layuning ito:
- Tinitiyak na mayroon kang access sa pangangalaga
- Itinataguyod ang kalidad ng iyong pangangalaga
- Tinitiyak na ang mga miyembrong tulad mo ay nasisiyahan sa mga serbisyo ng QUEST Integration
Available sa lahat ng miyembro ang Ombudsman program. Maaari kang matuto nang higit pa sa pamamagitan ng pag-kontak sa Hilopa‘a Pamilya sa Pamilyang Sentro sa Impormasyon sa Kalusugan (Hilopa‘a Family to Family Health Information Center). Puwede mong bisitahin ang kanilang website sa www.hilopaa.org. Puwede mo rin silang tawagan, i-email, o i-fax gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ibaba:
O‘ahu: 1-808-791-3467
Hawai‘i: 1-808-333-3053
Maui at Lana‘i: 1-808-270-1536
Moloka‘i: 1-808-660-0063
Kaua‘i: 1-808-240-0485
e-mail: ombudsman@hilopaa.org
Fax: 1-808-531-3595