Skip to Main Content

Mga Serbisyo ng Telehealth

Nahihirapan ka bang bumiyahe? Nakatira ka ba sa rural na bahagi ng estado? Kung oo, posibleng para sa iyo ang mga Serbisyo ng Telehealth. Saklaw ang mga Serbisyo ng Telehealth gaya rin ng personal na pagpapatingin sa doktor. At available ang mga serbisyong ito sa mga miyembro ng QUEST Integration nang libre!

Pinapayagan Ka ng mga Telehealth na Serbisyo na Bumisita Ka sa pamamagitan ng Video

Makakakuha ka ng pangangalagang kailangan mo nang hindi na kailangan pang magmaneho. Kapag magpatingin ka sa isang tagapagbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng Telehealth, ito ay katulad ng regular na pagpapatingin sa tanggapan. Ngunit, hindi mo nakikita ang iyong doktor nang harapan. Sa halip, kakausapin mo siya sa pamamagitan ng video conference.

Paano ako makakakuha ng Mga Serbisyo ng Telehealth?

Pinadali namin ito. May dalawa na ngayong paraan para makakuha ng mga Serbisyo ng Telehealth:

  1. Sa pamamagitan ng iyong Provider

    Itanong sa provider mo kung nagbibigay siya ng mga Serbisyo ng Telehealth. Maraming provider ang direktang nag-aalok ng serbisyong ito. Kung oo, ibibigay sa iyo ng provider mo ang lahat ng impormasyong kailangan mo para magsimula.

  2. Sa pamamagitan ng MDLIVE

    Hindi ba available ang iyong Primary Care Provider (PCP)? Maaari ka na ngayong makakuha ng mga serbisyo sa Telehealth 24/7 gamit ang MDLIVE! Ang Health Plan ng ‘Ohana ay ginawang mas madali kaysa dati ang pagpapatingin sa doktor. Ikinokonekta ka ng MDLIVE sa isang doktor online para gamutin ang mga sakit gaya ng mga sumusunod:
    • Sipon
    • Trangkaso
    • Lagnat
    • Sore Eyes
    • At Marami Pa

Makuha ang pangangalagang kailangan mo kapag kailangan mo. Available ang mga doktor anumang oras, araw man o gabi. Puwede ka pa ngang humingi ng tulong tuwing Sabado at Linggo, at mga holiday. Libre ang serbisyong ito.

Gusto mo bang matuto nang higit pa tungkol sa Mga Telehealth na Serbisyo ng ‘Ohana? Tawagan kami gamit ang libreng tawag na numero sa 1-808-427-7872 (TTY 711).

Mga Kapaki-pakinabang na Dokumento