Skip to Main Content

Mga Serbisyong Nangangailangan ng Paunang Awtorisasyon

Kailangan naming aprubahan ang mga sumusunod na serbisyo bago mo matanggap ang mga ito. Tinatawag itong paunang awtorisasyon. Makikipag-ugnayan sa amin ang iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay sa kalusugan upang humingi sa amin ng pag-aprubang ito. Kung hindi namin ito bibigyan ng pag-apruba, aabisuhan ka namin. Bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa proseso sa karaingan at mga apela at sa iyong karapatan sa isang pagdinig ng estado.

Maaaring magbago ang listahang ito. Maaari kang tumawag sa Serbisyo sa Customer para sa pinakanapapanahong listahan ng mga serbisyong nangangailangan ng paunang awtorisasyon:

  • Paggagamot sa pang-aabuso ng sustansiya
  • Psychosocial na rehabilitasyon
  • Pansuportang pabahay
  • Espesyalisadong residensyal na paggagamot
  • Karamihan ng mga pagsusuri sa kalusugan ng pag-iisip na isinasagawa ng iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay sa kalusugan
  • Mga pang-imbestiga at pang-eksperimentong pamamaraan at mga paggagamot
  • Mga hindi pang-emerhensiyang serbisyo sa ospital

Aaprubahan namin ang regular na serbisyo sa loob ng labing-apat (14) na araw ng kalendaryo. Kami o ang iyong tagapagbigay sa kalusugan ay maaaring mangailangan ng higit pang panahon upang isagawa ang pasyang ito. Kung gayon, mangangailangan kami ng karagdagang labing-apat (14) na araw ng kalendaryo. Ikaw o ang iyong tagapagbigay sa kalusugan ay maaaring humiling sa amin ng mabilis na pasya (isang pasyang ginawa sa loob ng 72 oras pagkatapos ng pagtanggap ng kahilingan para sa serbisyo). Maaari mo itong hilingin kung maaaring manganib ang iyong buhay o kalusugan dahil sa paghihintay ng pag-apruba.