Skip to Main Content

Paano Sumali

Ano ang Community Care Services?

Ang ‘Ohana Mga Serbisyong Pangangalaga sa Komunidad (Community Care Services, CCS) ay isang pinamamahalaang plano sa pangangalagang pangkalusugan sa pag-uugali. Para ito sa mga miyembro ng Medicaid na may matinding isyu sa kalusugan ng pag-iisip.

Sino ang Karapat-dapat? Paano Ako Mag-a-apply?

Ang mga miyembro ay maaaring isangguni sa 'Ohana CCS plan para sa mga serbisyo sa kalusugan ng pag-uugali, kung sila ay:

  1. Nasasaklawan sa ilalim ng programa sa medikal na tulong ng QUEST Integration (QI); at
  2. Nasuri na mayroong matinding isyu sa kalusugan ng pag-iisip

Upang mag-apply:

  • Pagpapatingin sa iyong tagapagbigay sa kalusugan ng pag-uugali
  • Paghiling sa kanya na sagutin ang form ng aplikasyon para sa Matinding Karamdaman sa Pag-iisip 1157
  • Ang iyong tagapagbigay ay maaaring mag-log in sa iyong secure na portal ng tagapagbigay para i-akses ang form ng aplikasyon

Ano ang Mga Benepisyong Matatanggap Ko?

Ang mga miyembro ng ‘Ohana CCS plan ay may pag-akses sa maraming benepisyo sa kalusugan ng pag-uugali, na kabilang ang, ngunit hindi limitado sa:

  • Saykayatrikong Pagpapa-ospital para sa Inpatient
  • Departamento ng Emerhensiya(ED) na Mga Serbisyo
  • Mga Dyagnostiko
  • Pamamahala sa Gamot

May Mga Tanong?

Tawagan ang Serbisyo sa Kostumer gamit ang libreng tawag na numero sa 1-866-401-7540 (TTY 711).