Pamamahala ng Iyong mga Digital na Medikal na Talaan
Pagkonekta sa Iyong Pangangalagang Pangkalusugan
Mga bagong opsyon para sa pamamahala ng iyong mga digital na medikal na talaan.
Isipin:
- Pumunta ka sa isang bagong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan dahil hindi maganda ang iyong pakiramdam at makukuha ng tagapagbigay ng serbisyo na iyon ang iyong kasaysayan ng kalusugan mula noong nakaraang limang taon
- Gagamitin ng tagapagbigay ng serbisyo ang impormasyong iyon upang ma-dayagnos ka at mabilis na makahanap ng tamang espesyalista sa pamamagitan ng pagsusuri sa isang napapanahong direktoryo ng tagapagbigay ng serbisyo
- Mayroon kang isang katanungan tungkol sa isang paghahabol, kaya’t pumunta ka sa iyong computer at, sa ilang minuto, makikita mo kung ito ay nabayaran o tinanggihan o pinoproseso pa rin
Simula sa 2021, mapapadali ng isang bagong pederal na panuntunan na gawin ang lahat ng ito at higit pa ng mga miyembro*.
Ang panuntunan na Interoperability at Pag-akses ng Pasyente (Interoperability and Patient Access) na CMS-9115-F ay inuuna ang mga pasyente. Binibigyan ka ng kontrol. Magkaroon ng madaling pag-akses sa iyong impormasyong pangkalusugan kung kinakailangan mo ito. Ang pagkakaroon ng kumpletong pag-akses sa iyong impormasyong pangkalusugan ay nagbibigay-daan sa iyo na pamahalaan nang mas mahusay ang iyong kalusugan. Maaari mong malaman kung anong mga mapagkukunan ng pangangalagang pangkalusugan ang magagamit mo.
Ang bagong panuntunan ay ginagawang madali ang paghanap ng impormasyon** tungkol sa:
- mga paghahabol (binayaran at tinanggihan)
- mga nakaraang resulta sa pagsubok
- mga appointment sa tagapagbigay ng serbisyo
- mga nakaraang resulta sa pagsubok
- katayuan ng kalusugan
- iyong gastos sa pangangalaga
- mga tiyak na bahagi ng iyong klinikal na impormasyon
- mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan
- datos sa direktoryo ng parmasya***
Anong Mga Uri ng Medikal na Impormasyon ang Makikita Ko?
Kapag nag-sign up sa isang app upang makakuha ng pag-akses sa iyong impormasyong pangkalusugan, maaari mong makita ang iyong impormasyong pangkalusugan mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan. Halimbawa, maaari mong makita ang mga paghahabol mula sa iyong planong pangkalusugan, dayagnosis mula sa iyong mga pagbisita sa doktor, at mga resulta ng pagsusuri sa dugo mula sa iyong laboratoryong pang-dayagnostiko. Inilaan ang app na magbigay ng pag-akses sa iyong impormasyong pangkalusugan sa isang komprehensibong paraan.
Mga Demograpiko ng Pasyente
- pangalan
- apelyido
- dating pangalan
- gitnang pangalan
- hulapi
- kasarian sa kapanganakan
- petsa ng kapanganakan
- lahi
- etnisidad
- ginustong wika
Mga allergy at Intoleransiya
- mga substansya (mga gamot)
- mga substansya (klase ng droga)
- reaksyon
Mga Bagong Demograpiko
- kasalukuyang tirahan
- dating tirahan
- numero ng telepono
- uri ng numero ng telepono
- email address
Mga Klinikal na Tala
- tala ng konsulta
- tala ng buod ng paglabas
- kasaysayan at pisikal
- salaysay sa pag-imahe
- salaysay sa ulat sa laboratoryo
- salaysay sa ulat sa pathology
- ulat sa pamamaraan
- ulat sa progreso
Mga Mahalagang Senyales****
- taas ng katawan
- timbang ng katawan
- BMI percentile (2-20 taon)
- presyon ng dugo
- bilis ng pagtibok ng puso
- bilis ng paghinga
- temperatura ng katawan
Mga Alalahanin sa Kalusugan
Pagbabakuna
Mga Pamamaraan
Mga Gamot
Mga Pagsusuri sa Laboratoryo at mga Resulta
Plano sa Pagtatasa at Paggamot
Mga Miyembro ng Koponan ng Pangangalaga
* Naaangkop sa Medicare Advantage, Medicaid at CHIP Managed Care at mga ACA exchange na plano na pinondohan ng pederal
** Magagamit ang datos para sa mga petsa ng serbisyo sa o pagkatapos ng Enero 1, 2016.
*** Para sa mga Medicare Advantage Prescription Drug (MAPD) na plano
**** Ang mga Mahalagang Senyales na pinamamahalaan ng Planong Pangkalusugan.
Bakit Ito Napakahalaga?
Ang pagkakaroon ng iyong medikal na impormasyon sa isang lugar ay makakatulong sa iyo at sa iyong mga tagapagbigay ng serbisyo na maunawaan nang mas mahusay ang iyong kalusugan upang makagawa ka ng mas mahusay na mga desisyon at mapabuti ang mga kinalabasan sa kalusugan. Kadalasan binabawasan nito ang mga gastos sa pangangalagang pangkalusugan. Susundan ka ng impormasyong ito sa anumang tagapagbigay ng serbisyo o planong pangkalusugan sa hinaharap.
Mahalaga sa Amin ang Pagpapanatiling Ligtas ng Iyong Protektadong Impormasyong Pangkalusugan (Protected Health Information, PHI).
Sa Wellcare, ang iyong pagkapribado at ang seguridad ng iyong PHI ay isang pangunahing alalahanin. Pinapayagan ka ng bagong panuntunan na i-akses ang iyong impormasyon gamit ang isang app mula sa isang pangatlong partido na bumubuo ng aplikasyon (isang kumpanya na walang koneksyon sa Wellcare). Nangangako kaming bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa kung ano ang isasaalang-alang kapag pumipili ng isang app, ang mga paraan na maaaring magamit ng isang pangatlong partido ang iyong datos, at ang kahalagahan ng pag-unawa sa mga kasanayan sa seguridad at pagkapribado ng app. Bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa mga pederal na ahensya na maaaring ma-kontak mo kung sa palagay mo ay hindi napoprotektahan ang iyong mga karapatan sa pagkapribado bilang isang pasyente.
Ang CARIN alliance ay isang dalawang partido, maramihang bahagi na pakikipagtulungan na nagtatrabaho upang isulong ang pagpapalitan ng impormasyong pangkalusugan na pinamamahalaan ng mamimili. Matuto nang higit pa tungkol sa mga pamantayan sa pagkapribado ng aplikasyon ng pangatlong partido sa website ng CARIN Alliance. Ang Mga Alituntunin ng Pag-uugali ng CARIN ay isang hanay ng mga pinakamahusay na kasanayan sa nangungunang industriya na kusang-loob na pinagtibay ng mga aplikasyon na ito upang maprotektahan ang iyong impormasyong pangkalusugan. Kakailanganin namin na patunayan ng mga pangatlong partido na bumubuo ng aplikasyon na susundin nila ang tiyak na mga pamantayan sa pagkapribado sa pamamagitan ng pagpapatunay sa Mga Alituntunin ng Pag-uugali ng CARIN. Bisitahin ang Aking Aplikasyon sa Kalusugan para sa isang listahan ng mga app na pinatunayan sa Mga Alituntunin ng Pag-uugali ng CARIN.
Ano Ang Dapat Kong Gawin Ngayon?
Maghanap ng isang pinagkakatiwalaang app. Bisitahin ang Aking Aplikasyon sa Kalusugan para sa isang listahan ng mga app na pinatunayan sa Mga Alituntunin ng Pag-uugali ng CARIN. Tinitiyak nito na natutugunan ng mga ito ang pinakamahigpit na mga patnubay sa pagkapribado at seguridad.
I-download ang app. Makukuha ang mga smartphone na app sa Google Play Store (Android) at sa App Store (iOS). Makukuha din ang mga Web na app para sa mga computer.
Lumikha ng iyong account. Sundin ang mga tagubilin sa app na iyong pinili upang mag-sign up at i-link ang iyong impormasyong pangkalusugan.
Gamitin ang iyong impormasyon upang pamahalaan ang iyong pangangalagang pangkalusugan. Mayroon ka na ngayon ng impormasyon na kailangan mo upang makagawa ng pinakamahusay na mga desisyon sa pangangalagang pangkalusugan para sa iyong sarili.
Mga Madalas Itanong
May Tanong Ka Ba Tungkol Sa Paano Hanapin Ang Tamang Ikatlong Partido na App?
Kontakin Kami.
May mga katanungan ka ba tungkol sa bagong Patnubay sa Interoperability at Pag-akses ng Pasyente at paano ito nakakaapekto sa iyo?
Kontakin Kami.
Para sa karagdagang impormasyon sa Mga Patakaran at Teknolohiya ng CMS para sa Interoperability at Pagbabawas ng Paghihirap, bisitahin ang website ng CMS.
Hanggang ilang taon sa nakaraan ang maaaring balikan para sa impormasyon tungkol sa akin?
Magagamit ang anumang impormasyong pangkalusugan na pinamamahalaan ng Wellcare na may petsa ng serbisyo na Enero 1, 2016 o mas bago.
Anong mangyayari sa aking impormasyong pangkalusugan kung pupunta ako sa ibang planong pangkalusugan o tagapagbigay ng serbisyo?
Magkakaroon ka ng pag-akses sa iyong impormasyong pangkalusugan, kahit anong planong pangkalusugan o tagapagbigay ng serbisyo na iyong pupuntahan.
Maaari ko bang malaman kung napapanahon ako sa aking mga pagbabakuna?
Oo, maaari mong gamitin ang isang app upang malaman kung anong mga natanggap mong pagbabakuna na may petsa ng serbisyo na Enero 1, 2016 o mas bago.
Pananatilihin ba ng lahat ng mga app ang aking impormasyong pangkalusugan na pribado ?
Maaaring may ilang mga app na hindi sumusunod sa lahat ng mga probisyon sa pagkapribado. Ipapaalam namin sa iyo kung aling mga app ang sumang-ayon na sundin ang aming mga patnubay para sa iyong pagkapribado. Kung nakapili ka na ng isang app bago kami makatanggap ng isang tugon mula sa tagapagbigay ng app tungkol sa kanilang mga patakaran sa pagkapribado, magkakaroon ka ng pagkakataon na pumili ng iba pang app sa loob ng isang tiyak na panahon. Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa app. Kung hindi ka bibigyan ng app ng Abiso ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado, inirerekumenda naming pumili ka ng iba pang app. Maaari mo ring bisitahin ang Aking Aplikasyon sa Kalusugan para sa isang listahan ng mga app na pinagkakatiwalaan.
Kailan ako magkakaroon ng pag-akses sa aking impormasyon sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng app?
Simula sa Hulyo 1, 2021, maa-akses mo ang iyong Wellcare na impormasyong pangkalusugan sa pamamagitan ng mga app.
Hindi ako komportable sa paggamit ng isang app upang makuha ang aking impormasyon sa pangangalagang pangkalusugan. Kailangan ko bang gawin ito?
Hindi, hindi mo kailangang gumamit ng isang app upang ma-akses ang iyong impormasyon sa pangangalagang pangkalusugan. Maaari mong kontakin ang iyong tagapagbigay ng serbisyo o planong pangkalusugan para sa kinakailangang impormasyon.
Anong datos sa kalusugan ang kokolektahin ng app?
Kolektahin ng app ang iyong datos sa kalusugan kabilang ang, ngunit hindi limitado sa, iyong mga paghahabol, mga gamot, mga dayagnosis, mga pamamaraan, at mga pagbisita sa doktor.
Kokolektahin ba ng app ang datos na hindi pangkalusugan mula sa aking aparato, tulad ng aking lokasyon?
Ang mga app ay may kakayahang ngang mangolekta ng datos na hindi pangkalusugan tulad ng lokasyon. Papayagan ka ng ilang mga app na magkaroon ng pagpipilian na ibigay ang impormasyong iyon. Inirerekumenda namin na tanungin mo ang iyong tagapagbigay ng app.
Ano ang magiging epekto sa iba ng pagbabahagi ng aking datos sa app na ito, tulad ng aking mga kapamilya?
Ang paghiling ng iyong datos sa kalusugan sa pamamagitan ng isang app ay may potensyal na maisama ang datos sa kalusugan ng mga kapamilya na nauugnay sa iyong account sa kalusugan.
Paano ko maitatama ang mga pagkakamali sa aking datos sa kalusugan?
Upang maitama ang mga pagkakamali sa iyong datos sa kalusugan, kakailanganin mong kontakin ang iyong tagapagbigay ng serbisyo o kumpanya ng segurong pangkalusugan. Ginagawa lang magagamit ng pangkalusugan na app ang datos na mula sa mga mapagkukunan ng pangangalagang pangkalusugan. Hindi nilikha ng app ang datos na ito. Kung ang app ay nagpapakita ng maling impormasyon na hindi naipadala sa app, dapat iwasto ng app ang problemang ito.
Ano ang aking mga karapatan sa ilalim ng Batas sa Kakayahang Dalhin at Pananagutan sa Segurong Pangkalusugan (Health Insurance Portability and Accountability Act, HIPAA)?
Inirerekumenda namin na hilingin mo ang tagapagbigay ng app para sa kanilang abiso sa mga kasanayan sa pagkapribado at seguridad.
Karamihan sa mga app ay hindi sinasaklaw ng HIPAA. Sa halip, karamihan sa mga app ay napapailalim sa hurisdiksyon ng Pederal na Komisyon sa Kalakal (Federal Trade Commission, FTC) at ang mga proteksyon na ibinigay ng Batas ng FTC. Pinoprotektahan ng Batas ng FTC, bukod sa iba pang mga bagay, laban sa mga mapanlinlang na pagkilos (hal., kung nagbabahagi ang isang app ng personal na datos nang walang pahintulot, sa kabila ng pagkakaroon ng isang patakaran sa pagkapribado na nagsasabing hindi ito gagawin).
Ang FTC ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagkapribado at seguridad sa mobile app para sa mga mamimili sa website ng FTC tungkol sa impormasyon para sa mamimili.
Para sa mga app na napapailalim sa HIPAA, maaari kang makahanap ng higit pang impormasyon tungkol sa mga karapatan ng pasyente sa ilalim ng HIPAA at kung sino ang obligadong sumunod sa HIPAA.
Maaari mo ring makita ang mga HIPAA na FAQ para sa Mga Indibidwal.
Ano ang aking mga karapatan patungkol sa aking datos na nakolekta sa app na ito?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan ang iyong mga karapatan.
Ano ang dapat kong gawin kung ang aking datos ay naibahagi o ninakaw o ginamit ng isang app ang aking datos nang hindi naaangkop?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung paano sila tumutugon sa isang insidente sa pagkapribado at seguridad. May karapatan kang maghain ng reklamo sa mga ahensya ng pagpapatupad kabilang ang Tanggapan para sa Mga Karapatang Sibil (Office for Civil Rights, OCR) at Pederal na Komisyon sa Kalakal (Federal Trade Commission, FTC).
Karamihan sa mga app ay hindi isasaalang-alang bilang mga nasakop na entidad sa ilalim ng HIPAA. Sa halip, karamihan sa mga app ay napapailalim sa hurisdiksyon ng Pederal na Komisyon sa Kalakal (Federal Trade Commission, FTC) at ang mga proteksyon na ibinigay ng Batas ng FTC. Pinoprotektahan ng Batas ng FTC, bukod sa iba pang mga bagay, laban sa mga mapanlinlang na pagkilos (hal., kung nagbabahagi ang isang app ng personal na datos nang walang pahintulot, sa kabila ng pagkakaroon ng isang patakaran sa pagkapribado na nagsasabing hindi ito gagawin).
Matuto nang higit pa tungkol sa paghain ng isang reklamo sa OCR sa ilalim ng HIPAA.
Ang mga indibidwal ay maaaring maghain ng isang reklamo sa OCR gamit ang portal ng reklamo ng OCR.
Ang mga indibidwal ay maaaring maghain ng isang reklamo sa FTC gamit ang FTC na katulong sa reklamo.
Paano gagamitin ng app ang aking datos?
Bagaman ang layunin ng app ay upang makita mo ang iyong datos sa isang lugar, inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado upang maunawaan kung paano gagamitin ng app ang iyong datos.
Maaari bang ibahagi ng app ang aking datos sa mga ikatlong partido?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung ibabahagi ng app ang iyong datos sa mga ikatong partido.
Kung hindi ko na nais gamitin ang app na ito, o kung hindi ko na nais na magkaroon ang app na ito ng pag-akses sa aking impormasyong pangkalusugan, paano ko ititigil ang pag-akses ng app sa aking datos? May kailangan pa ba akong gawin maliban sa pagtanggal ng app mula sa aking aparato?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung ano ang mangyayari sa iyong datos pagkatapos mong ihinto ang paggamit ng app.
Ano ang patakaran ng app para sa pagtanggal ng aking datos sa sandaling ihinto ko ang paggamit nito?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung ano ang mangyayari sa iyong datos pagkatapos mong ihinto ang paggamit ng app.
Ano ang proseso na kailangan kong gawin upang ihinto ang pagbabahagi ng datos?
Ang pinakamahusay na paraan upang ihinto ang pagbabahagi ng datos ay sa pagdaan ng Aplikasyon ng Pangatlong Partido o sa pamamagitan ng pag-kontak sa suporta ng Aplikasyon ng Pangatlong Partido. Kung hindi ka magtagumpay sa pagtigil ng pagbabahagi ng datos sa pamamagitan ng Aplikasyon ng Pangatlong Partido o paggamit ng Suporta sa Aplikasyon ng Pangatlong Partido, maaari kang tumawag sa mga serbisyo ng miyembro ng Wellcare para sa tulong.
Ibebenta ba ng app na ito ang aking datos para sa anumang kadahilanan, tulad ng pag-aanunsyo o pananaliksik?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung ibabahagi ng app ang iyong datos sa mga pangatlong partido para sa pag-aanunsyo o pananaliksik.
Paano pinamamahalaan ng app na ito ang pagkolekta at pagtugon sa mga reklamo mula sa gumagamit?
Maaaring tumugon ang mga tagapagbigay ng app sa mga reklamo mula sa gumagamit sa iba’t ibang paraan. Inirerekumenda naming magtanong ka tungkol dito sa iyong tagapagbigay ng app.
Maiimbak ba ang aking datos sa isang anyo kung saan tinanggal ang aking pagkakakilanlan o hindi na makikilala ?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung paano iniimbak ng app ang iyong datos.
Anong mga hakbang sa seguridad ang ginagamit ng app na ito upang maprotektahan ang aking datos? Ipapaalam ba nila sa akin kung may mangyari ?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado at karagdagang impormasyon tungkol sa mga kasanayan sa seguridad mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung paano nila pinamamahalaan ang isang insidente sa seguridad.
Paano ko malilimitahan ang paggamit at paglabas ng aking datos ng app na ito?
Inirerekumenda naming humiling ka ng isang Paunawa ng Mga Kasanayan sa Pagkapribado mula sa tagapagbigay ng app upang maunawaan kung paano mo malilimitahan ang paggamit at paglabas ng iyong datos.