Mga Serbisyo ng Parmasya
Sinasaklaw ng ‘Ohana Health Plan ang mga gamot na itinuturing ng Medicaid na medikal na kinakailangan.
Gumagamit kami ng listahan ng mga gamot na gusto naming ipareseta sa doktor mo na tinatawag na Listahan ng Preferred na Gamot (Preferred Drug List o PDL).
Ang karamihan sa mga gamot na ito ay saklaw nang walang kinakailangang Kahilingan sa Pagpapasya sa Saklaw o Coverage Determination Request. Pero, ang ilan sa mga gamot na ito ay nangangailangan ng pagsusuri at may nakalagay na PA (Prior Authorization).
May ilang gamot na nangangailangan ng step therapy – ang paggamit muna ng ibang gamot bago aprubahan ang mga ito. May nakalagay na ST (Step Therapy) sa mga ito.
Maglalaman din ang listahan ng mga gamot na posibleng may mga limitasyon dahil sa iyong edad o sa dami ng inireseta. Nakasaad ito sa PDL gamit ang markang AL (Age Limit) at QL (Quantity Limit).
Kailangang magsumite ng iyong doktor ng Kahilingan sa Pagpapasya sa Saklaw o Coverage Determination Request para sa mga sumusunod:
- Mga gamot na wala sa PDL
- Mga Gamot na May PA na nasa PDL
Palaging ipakita ang iyong ‘Ohana ID Card sa parmasya.
- Ang mga miyembro ng Medicaid lang ay hindi dapat magbayad ng mga co-pay para sa mga gamot na nasa Listahan ng Ginustong Gamot (Preferred Drug List, PDL) ng ‘Ohana. Nguni’t maaaring may mga pagkakataon kung kailan kakailanganin mong magbayad para sa mga nasasaklawang gamot.
- Maaari itong mangyari kung nakalimutan mong ipakita ang iyong 'Ohana ID card sa parmasya.
- Kung magbabayad ka mula sa sariling bulsa para sa mga nasasaklawang gamot, maaari kang humingi ng refund. Punan lang ang Form sa Kahilingan para sa Direktang Pagsasauli ng Nagasta ng Miyembro, at ipadala ito sa ‘Ohana.
Maghanap ng isang gamot gamit ang aming online na tool.
Mga Naka-print na Listahan ng Piniling Gamot:
- Listahan ng Mas Gustong Gamot ng Ohana Quest Integration (PDF)
- Machine Readable File ng Ohana Quest Integration
- Listahan ng Mas Gustong Gamot na may Dalawahang Karapat-dapat ng Ohana Quest Integration (PDF)
- Abiso ng Pagbabago ng Ohana Quest Integration (PDF)
Mga Form ng Kahilingan sa Pagsusuri ng Gamot: