Mga Karapatan at Responsibilidad
Alamin ang Iyong Mga Karapatan Bilang Miyembro ng QUEST Integration.
Bilang isang miyembro ng ‘Ohana, may karapatan kang:
- Makatanggap ng impormasyon alinsunod sa plano;
- Tratuhin nang may paggalang at nararapat na pagsasaalang-alang para sa dignidad at pagkapribado ng miyembro;
- Panatilihing kumpidensyal ang lahat ng record at mga medikal at personal na impormasyon;
- Makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga magagamit na opsyon sa paggamot at mga kahalili, na ipinakita sa isang paraang naaangkop sa kalagayan ng miyembro at kakayahang maunawaan;
- Sumali sa mga desisyon tungkol sa kanyang pangangalagang pangkalusugan, kabilang na ang karapatang tumanggi sa pagpapagamot;
- Hindi makaranas ng anumang uri ng pamimigil o seklusyon bilang paraan ng pamumuwersa, disiplina, kaginhawaan o pagganti, alinsunod sa nakasaad sa mga pederal na regulasyon sa paggamit ng mga pamimigil at seklusyon;
- Humingi at makatanggap ng kopya ng kanyang mga medikal na record, at humiling na baguhin o itama ang record alinsunod sa nakasaad sa plano;
- Mabigyan ng mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan alinsunod sa plano;
- Malayang magamit ang kanyang mga karapatan, kabilang ang mga nauugnay sa paghahain ng karaingan o apela, at ang paggamit ng mga karapatang ito ay hindi makakaapekto nang masama sa kung paano itatrato ang miyembro;
- Magkaroon ng direktang pag-akses sa isang espesyalista sa kalusugan ng kababaihan sa loob ng network;
- Makatanggap ng pangalawang opinyon nang libre para sa miyembro;
- Makatanggap ng mga serbisyong wala sa network kung hindi makakapagbigay ang planong pangkalusugan nang nasa network, hangga't hindi maibibigay ng planong pangkalusugan ang serbisyo nang nasa network at hindi siya magbabayad nang mas malaki kung ang mga serbisyo ay ibinigay nang nasa network;
- Makatanggap ng mga serbisyo ayon sa mga pamantayang oras ng paghihintay sa appointment;
- Makatanggap ng mga serbisyo sa paraang may paggalang sa kultura;
- Makatanggap ng mga serbisyo sa isang koordinadong paraan;
- Maprotektahan ang kanyang privacy;
- Maisama sa pagbuo ng plano ng serbisyo, kung naaangkop;
- Magkaroon ng direktang access sa mga espesyalista (kung mayroon siyang espesyal na pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan);
- Hindi matanggihan o mabawasan ang halaga, tagal, o saklaw, sa hindi makatarungang dahilan, dahil lang sa diagnosis, uri ng karamdaman, o kondisyon;
- Hindi papanagutin para sa:
- Ang mga utang ng planong pangkalusugan kung sakaling mabangkarote;
- Ang mga saklaw na serbisyong ibinibigay sa miyembro ng planong pangkalusugan kung saan hindi nagbabayad ang DHS sa planong pangkalusugan;
- Mga saklaw na serbisyong ibinibigay sa miyembro na hindi binabayaran ng DHS o hindi binabayaran ng health plan sa provider ng pangangalagang pangkalusugan na nagbigay ng mga serbisyo; at
- Mga pagbabayad para sa mga saklaw na serbisyo na ibinibigay sa ilalim ng isang kontrata, referral, o iba pang kasunduan, hangga't ang mga naturang pagbabayad ay sobra sa halagang dapat bayaran ng miyembro kung direktang ibinigay ng planong pangkalusugan ang mga serbisyo; at
- Managot lang para sa hatian sa gastos alinsunod sa plano.
TANDAAN:Kung tatanggihan ng ‘Ohana Health Plan ang pagbibigay ng serbisyo ayon sa mga batayan sa moral o relihiyon, ang Planong Pangkalusugan ay dapat magbigay ng impormasyon tungkol sa mga serbisyong hindi nito nasasaklawan:
- Sa DHS sa loob ng 120 araw ng pagpapatibay ng patakaran
- Sa mga miyembro bago ang at sa panahon ng pagpapatala
- Sa mga miyembro sa loob ng 90 araw pagkatapos ipatupad ang patakaran kaugnay ng anumang partikular na serbisyo
Alamin ang Iyong Mga Responsibilidad Bilang Miyembro ng QUEST Integration.
Bilang isang miyembro ng ‘Ohana, may pananagutan kang:
- Magbigay ng impormasyong kailangan ng plano at mga tagapagbigay nito upang makapagbigay ng pangangalaga
- Sundin ang mga plano at tagubilin para sa pangangalagang pinagkasunduan ninyo ng iyong PCP
- Maunawaan ang iyong mga problemang pangkalusugan
- Tumulong sa pagtatakda ng mga layunin sa paggagamot na pinagkasunduan mo at ng iyong PCP
- Basahin ang handbook ng miyembro para maunawaan kung paano gumagana ang plano
- Palaging dalhin ang iyong ID card ng miyembro
- Palaging dalhin ang iyong Medicard card
- Ipakita ang iyong mga ID card sa bawa’t tagapagbigay
- Abisuhan ang ‘Ohana kung mawala mo ang iyong ID card ng miyembro
- Mag-iskedyul ng mga tipanan para sa lahat ng pangangalagang hindi pang-emerhensiya sa pamamagitan ng iyong PCP
- Kumuha ng pagsasangguni mula sa iyong PCP para sa espesyal na pangangalaga
- Makipagtulungan sa mga tao sa pagbibigay ng iyong pangangalagang pangkalusugan
- Pumunta sa mga tipanan nang nasa oras
- Abisuhan ang tanggapan ng tagapagbigay ng serbisyo kung kailangan mong kanselahin o baguhin ang isang appointment
- Igalang ang mga karapatan ng lahat ng tagapagbigay
- Igalang ang pag-aari ng lahat ng tagapagbigay
- Igalang ang mga karapatan ng ibang pasyente
- Hindi makagambala sa anumang tanggapan ng tagapagbigay ng serbisyo
- Malaman ang mga gamot na ginagamit mo, kung para saan ang mga ito, at kung paano gamitin ang mga ito kaagad
- Tiyaking may kopya ang iyong PCP ng lahat ng iyong dating talaang medikal
- Ipaalam sa plano sa loob ng 48 oras, o sa lalong madaling panahon – kung na-ospital ka o tumanggap ng pangangalaga sa emergency room
- Tawagan ang ‘Ohana upang makakuha ng impormasyon o makakuha ng sagot sa iyong mga katanungan. Tawagan ang Serbisyo sa Kostumer gamit ang libreng tawag na numero sa 1-888-846-4262 (TTY 711).