Mga Karapatan at Responsibilidad ng Miyembro
Mga Karapatan ng Miyembro
Bilang isang miyembro ng ‘Ohana CCS, may karapatan kang:
- Kumuha ng impormasyon tungkol sa plano, mga serbisyo, mga practitioner, at mga tagapagbigay nito.
- Kumuha ng impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan at responsibilidad.
- Magkaroon ng mga proteksyon na nakalista sa Batas sa Pahayag ng Mga Karapatan at Responsibilidad ng Mga Pasyente (Patients’ Bill of Rights and Responsibilities Act, HRS Kabanata 432E).
- Malaman ang mga pangalan at titulo ng mga tagapagbigay na nangangalaga sa iyo.
- Matrato nang may respeto.
- Matrato nang may dignidad.
- Sa pagkapribado.
- Magpasya kasama ang iyong tagapagbigay tungkol sa matatanggap mong pangangalaga.
- Makipag-usap tungkol sa pangangalagang kailangan mo dahil nauugnay ito sa iyong mga kondisyong pangkalusugan. Kabilang rito ang mga nauugnay na pinili at mga panganib, anuman ang gastos o benepisyong saklaw. Dapat mong matanggap ang impormasyong ito sa paraang nauunawaan mo.
- Alamin ang tungkol sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan pagkalabas mo ng ospital o pagkaalis mo sa tanggapan ng tagapagbigay ng serbisyo.
- Tumanggi sa pangangalaga, hangga't sumasang-ayon kang maging responsable sa iyong pasya.
- Hindi maging bahagi ng anumang medikal na pananaliksik.
- Maghain ng karaingan at/o apela tungkol sa plano o sa pangangalagang ibinibigay nito. At malaman na kung gagawin mo ito, hindi ito makakaapekto sa pagtrato sa iyo.
- Hindi makaranas ng anumang uri ng pamimigil o paghihiwalay bilang paraan ng pamumuwersa, pagdidisiplina, kaginhawaan, o pagganti.
- Humiling at magkaroon ng kopya ng iyong mga talaan sa kalusugan ng pag-uugali.
- Hilinging baguhin o iwasto ang iyong mga talaan sa kalusugan ng pag-uugali.
- Mapanatiling pribado ang iyong mga talaan.
- Iparating ang iyong mga kagustuhan para sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng mga paunang direktiba.
- Magkaroon ng opinyon sa mga karapatan at responsibilidad ng miyembro ng plano.
- Magamit ang mga karapatang ito anuman ang iyong kasarian, edad, lahi, etnisidad, kita, edukasyon o relihiyon.
- Igalang ng lahat ng empleyado ng plano ang iyong mga karapatan.
- Makatanggap ng mga serbisyo na pangangalagang pangkalusugan na accessible, maihahambing sa halaga, tagal, at saklaw sa mga ibinibigay sa ilalim ng Medicaid Fee-for-Service, at sapat sa halaga, tagal, at saklaw upang makatuwirang asahang makamit ang layunin ng pagbibigay ng mga serbisyo.
- Makatanggap ng naaangkop na mga serbisyo na hindi tinatanggihan o binabawasan dahil lang sa dyagnosis, uri ng karamdaman, o kondisyon ng kalusugan ng pag-iisip.
- Makuha ang lahat ng impormasyon sa paraang madali mong mauunawaan, sa mga alternatibong pormat at sa paraang isinasaalang-alang ang iyong mga espesyal na pangangailangan.
- Makahingi ng tulong sa pag-unawa sa mga panuntunan at mga benepisyo ng plano.
- Makatanggap ng mga serbisyo ng berbal na interpretasyon nang libre. Para ito sa lahat ng wika maliban sa wikang Ingles, hindi lang sa mga pinakakaraniwan.
- Mapayuhang available ang berbal na interpretasyon para sa iyo, at malaman kung paano matatanggap ang serbisyong ito.
- Makatanggap ng impormasyon tungkol sa:
- Ang mga basic na feature ng pinamamahalaang pangangalaga.
- Sino ang puwede at hindi puwedeng sumali sa programa.
- Ang mga responsibilidad ng plano para sa koordinasyon ng pangangalaga sa isang napapanahong paraan upang makagawa ng ipinabatid na desisyon (mga potensyal na miyembro).
- Makakuha ng kumpletong paglalarawan sa iyong karapatang umalis sa plano.
- Makatanggap ng abiso tungkol sa anumang malaking pagbabago sa mga benepisyo. Dapat mo itong makuha nang hindi bababa sa 30 araw bago magkaroon ng bisa ang pagbabago.
- Makakuha ng kumpletong impormasyon tungkol sa mga serbisyo sa emerhensiya at sa mga serbisyo pagkatapos ng oras ng trabaho.
- Makuha ang patakaran ng plano tungkol sa mga referral para sa espesyalidad na pangangalaga at iba pang mga benepisyo na hindi ibinibigay ng Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng miyembro.
- Malapat ang lahat ng karapatang ito sa taong legal mong itatalaga upang gumawa ng mga pasya sa iyong mga pangangalagang pangkalusugan.
- Malayang magamit ang iyong mga karapatan, kabilang ang mga nauugnay sa paghahain ng karaingan o apela, at na ang paggamit ng mga karapatang ito ay hindi masamang makakaapekto sa paraan ng pagtrato sa iyo.
- Makatanggap ng pangalawang opinyon nang libre, para sa miyembro.
- Makatanggap ng mga serbisyong wala sa network kung hindi makakapagbigay ang planong pangkalusugan nang nasa network, hangga't hindi maibibigay ng planong pangkalusugan ang serbisyo nang nasa network at hindi siya magbabayad nang mas malaki kung ang mga serbisyo ay ibinigay nang nasa network.
- Makatanggap ng mga serbisyo ayon sa mga pamantayang oras ng paghihintay para sa appointment.
- Makatanggap ng mga serbisyo sa paraang may paggalang sa kultura.
- Makatanggap ng mga serbisyo sa maayos na paraan.
- Maprotektahan ang iyong pagkapribado.
- Maisama sa paggawa ng plano ng pangangalaga.
- Magkaroon ng access sa mga tagapagbigay na may kontrata sa planong pangkalusugan.
- Magkaroon ng direktang access sa mga espesyalista (kung mayroon kang espesyal na pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan).
- Magkaroon ng kabatiran kaugnay ng mga paghihigpit sa kalayaang pumili sa mga tagapagbigay na nasa network.
- Hindi matanggagihan o mabawasan ang halaga, tagal, o saklaw, sa hindi makatarungang dahilan, dahil lang sa dyagnosis, uri ng karamdaman, o kondisyon.
- Makatanggap ng paglalarawan ng mga responsibilidad sa bahagi sa gastos, kung mayroon man.
- Hindi papanagutin para sa:
- Ang mga utang ng planong pangkalusugan kung sakaling mabangkarote.
- Ang mga saklaw na serbisyong ibinibigay sa miyembro ng planong pangkalusugan kung saan hindi nagbabayad ang Med-QUEST Division sa planong pangkalusugan.
- Mga saklaw na serbisyo na ibinibigay sa miyembro kung saan hindi nagbabayad ang Med-QUEST Division o ang planong pangkalusugan sa provider ng pangangalagang pangkalusugan na nagsasagawa ng mga serbisyo; at mga pagbabayad sa mga saklaw na serbisyo na isinagawa sa ilalim ng isang kontrata, referral, o iba pang kasunduan hangga't ang mga naturang pagbabayad ay sobra sa halagang dapat bayaran ng miyembro kung sakaling direktang ibinigay ng planong pangkalusugan ang mga serbisyo.
- Maging responsable lang para sa bahagi sa gastos gaya ng inilarawan sa iyong plano.
- Mabigyan ng nakasulat na abiso tungkol sa anumang mahalagang pagbabago na nauugnay sa mga karapatan, responsibilidad at pamamaraang may kinalaman sa miyembro nang hindi bababa sa 30 araw bago ang nilalayong petsa ng pagkakaroon ng bisa ng pagbabago.
Mga Responsibilidad ng Miyembro
Mayroon ka ring mga responsibilidad bilang isang miyembro na:
- Magbigay ng impormasyong kailangan ng plano at mga tagapagbigay nito upang makapagbigay ng pangangalaga.
- Sundin ang mga plano at tagubilin para sa pangangalagang pinagkasunduan ninyo ng iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
- Maunawaan ang iyong mga problemang pangkalusugan.
- Tumulong sa pagtatakda ng mga layunin sa paggamot na pagkakasunduan ninyo ng iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
- Basahin ang Libro ng Miyembro para maunawaan kung paano gumagana ang plano.
- Palaging dalhin ang iyong ID card bilang miyembro ng ‘Ohana CCS.
- Palaging dalhin ang iyong Medicard card.
- Ipakita ang iyong mga ID card sa bawat tagapagbigay.
- Abisuhan ang ‘Ohana CCS kung mawala mo ang iyong ID card bilang miyembro.
- Mag-iskedyul ng mga appointment para sa lahat ng pangangalaga sa kalusugan ng pag-uugali na hindi pang-emerhensiya sa pamamagitan ng iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
- Kumuha ng referral mula sa iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan para sa espesyalidad na pangangalaga.
- Makipagtulungan sa mga tao na nagbibigay ng iyong pangangalagang pangkalusugan.
- Pumunta sa mga appointment nang nasa oras.
- Abisuhan ang tanggapan ng tagapagbigay ng serbisyo kung kailangan mong kanselahin o baguhin ang isang appointment.
- Igalang ang mga karapatan ng lahat ng tagapagbigay.
- Igalang ang pag-aari ng lahat ng tagapagbigay.
- Igalang ang mga karapatan ng ibang pasyente.
- Hindi makagambala sa anumang tanggapan ng tagapagbigay ng serbisyo.
- Malaman ang mga gamot na ginagamit mo, kung para saan ang mga ito, at kung paano gamitin ang mga ito sa tamang paraan.
- Tulungan ang iyong Tagapamahala ng Kaso/Ahensya o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na makakuha ng mga kopya ng lahat ng iyong dating talaan sa kalusugan.
- Ipaalam sa plano sa loob ng 48 oras, o sa lalong madaling panahon, kung na-ospital ka o tumanggap ng pangangalaga sa silid pang-emerhensiya.
- Tawagan ang ‘Ohana CCS upang makakuha ng impormasyon o makakuha ng sagot sa iyong mga katanungan. Tawagan ang Serbisyo sa Kostumer gamit ang libreng tawag na numero sa 1-866-401-7540 (TTY 711).