Mga Serbisyong Nangangailangan ng Paunang Awtorisasyon
Kailangan naming aprubahan ang ilang serbisyo bago mo makuha ang mga ito. Tinatawag itong paunang awtorisasyon o paunang sertipikasyon. Maaaring kailangan mong magbayad para sa mga hindi saklaw na serbisyong ito kung hindi ka makakatanggap ng paunang awtorisasyon mula sa ‘Ohana.
Makikipag-ugnayan sa amin ang iyong PCP o espesyalista para sa pag-aprubang ito. Kung hindi namin ito bibigyan ng pag-apruba, aabisuhan ka namin. Bibigyan ka namin ng impormasyon tungkol sa proseso ng mga apela at tungkol sa iyong karapatan sa pagdinig ng DHS kung hindi ka sumasang-ayon sa aming desisyon.
Kailangan mo ng paunang awtorisasyon para sa mga serbisyong ito:
- Ilang partikular na medikal na supply at kagamitan
- Ilang partikular na medikal na procedure na isinasagawa ng iyong PCP o espesyalista
- Mga referral sa isang ahensya sa pamamahala ng kaso at/o paglalagay sa foster home
- Mga referral o pag-admit sa isang nursing home o residential home
- Chemotherapy
- Mga surgical procedure
- Mga cosmetic procedure
- Mga hindi pang-emergency na serbisyo ng ospital
- Anumang serbisyo na wala sa plano o pangangalaga na wala sa network
- Mga serbisyo sa tahanan at komunidad
*hindi lahat ay nasa listahan
Maaari mong makita ito sa iyong Handbook ng Miyembro o tawagan ang Serbisyo sa Kostumer gamit ang libreng tawag na numero sa 1-888-846-4262 (TTY 711) para sa pinaka-updated na listahan.
Magbibigay kami ng pasya sa loob ng labing-apat (14) na araw. Maaari kaming mangailangan ng higit pang oras para makapagpasya. Kung gayon, mangangailangan kami ng karagdagang labing-apat (14) na araw sa kalendaryo. Ikaw o ang iyong doktor ay puwedeng humiling sa amin ng mabilis na pasya (isang pasyang ginawa sa loob ng 72 oras pagkatapos ng pagtanggap ng kahilingan para sa serbisyo). Maaari mo itong hilingin kung maaaring manganib ang iyong buhay o kalusugan dahil sa paghihintay ng pag-apruba.
Kung minsan, mangangailangan kami ng higit pang oras para makagawa ng mabilis na pasya. Ibig sabihin, puwede itong umabot nang hanggang labing-apat (14) pang araw sa kalendaryo bago kami makapagdesisyon o makapagbigay ng pag-apruba.