Mga Miyembro ng Medicaid - Ang kailangan mong malaman tungkol sa COVID-19
Sa panahong ito ng Pambansang Emergency, patuloy kaming magbibigay ng kumpletong saklaw sa aming mga miyembro. Kung nasa Medicaid ka na simula 3/18/2020, mapapanatili mo ang iyong saklaw. Kung naging kwalipikado ka simula sa panahong iyon, mananatili kang saklaw.
Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay isang bagong sakit na nagdudulot ng sakit sa baga sa mga tao at puwede itong makahawa ng mga tao. Puwedeng mahawa ang sinuman, anuman ang kanilang edad. Ang mas matatanda at ang mga taong may mga dati nang medikal na kondisyon gaya ng hika, diabetes, at sakit sa puso ay mas malamang na magkaroon ng malalang karamdaman kapag nahawa sila. Hindi pa alam ang marami sa mga detalye tungkol sa sakit na ito, gaya ng mga opsyon sa paggamot, paano kumikilos ang virus, at ang kabuuang epekto ng sakit.
Ano ang coronavirus?
Ang COVID-19 ay isang sakit sa baga na dulot ng isang bagong virus na tinatawag na coronavirus, na isa na ngayong emergency sa pampublikong kalusugan. Patuloy na dumarami ang kaso sa bansa at sa buong mundo.
Ano ang mga sintomas?
Kabilang sa mga sintomas ng coronavirus ang mga banayad hanggang sa malulubhang sintomas sa baga. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, ubo, kakapusan sa paghinga, at mga sakit sa ibabang bahagi ng baga. Puwedeng makahawa ang COVID-19 bago pa man magpakita ng mga sintomas ang isang tao.
Alin pa ang puwedeng magpakita ng mga parehong sintomas?
Sa panahong ito, uso sa Estados Unidos ang influenza (trangkaso), isang nakakahawang sakit sa baga na dulot ng mga influenza virus (Type A at Type B). Ang lahat ng tao edad 6 na buwan pataas ay dapat magpabakuna laban sa trangkaso.
Parang may mga sintomas ako. Ano ang dapat kong gawin?
Kung na-expose ka sa virus o trangkaso, o kung nagpapakita ka na ng mga sintomas nito, makipag-ugnayan agad sa iyong provider ng pangangalagang pangkalusugan o sa iyong health department.
Protektahan ang iyong sarili at ang komunidad mo.
Lahat tayo ay may tungkulin sa pagprotekta sa ating mga komunidad at pamilya laban sa pagkalat ng coronavirus. Katulad ito ng iba pang nakakahawang virus. Puwede mo ring sundin ang mga tip na ito para makaiwas sa pagkahawa:
- Hugasan nang mabuti at madalas ang iyong mga kamay. Gumamit ng sabon at tubig sa loob hindi bababa sa 20 segundo.
- Gumamit ng alcohol-based na hand sanitizing rub (naglalaman dapat ng hindi bababa sa 60 porsyentong alcohol).
- Takpan ang iyong bibig kapag umuubo o bumabahing sa pamamagitan ng pag-ubo/pagbahing sa iyong siko.
- Itapon agad ang mga tissue sa basurahan pagkagamit.
- Linising mabuti ang mga hawakan sa mga pampublikong lugar.
- Manatili sa bahay kapag may sakit ka.
- Iwasan ang pakikipagkamay.
- Iwasan ang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga taong may sakit.
- Magpabakuna laban sa trangkaso.
Saklaw ba ng aking plano ang pagpapa-test/pagsusuri/pagpapagamot para sa COVID-19?
Oo. Kapag iniutos at/o ni-refer ng isang lisensyadong provider ng pangangalagang pangkalusugan ang medikal na kinakailangang diagnostic na pag-test, medikal na pagsusuri, at/o paggamot, sasagutin namin ang gastos para sa mga medikal na kinakailangang test at pagsusuri na nauugnay sa COVID-19, (mga) nauugnay na pagbisita sa doktor, at/o paggamot. Kung naaangkop, isasantabi ang copayment, coinsurance, at/o deductible na cost-sharing ng iyong plano para sa mga medikal na kinakailangang diagnostic na pag-test, medikal na pagsusuri, at/o paggamot para sa COVID-19.
Kailangan ba ng paunang pahintulot para sa pag-test, pagsusuri, at/o paggamot para sa COVID-19 sa ilalim ng saklaw ng plano ko?
Hindi. Hindi kami mangangailangan ng paunang awtorisasyon, paunang sertipikasyon, paunang abiso, at/o mga protokol para sa step therapy para sa mga medikal na kinakailangang dayagnostikong pagsusuri, medikal na pagsasala na serbisyo, at/o paggamot para sa COVID-19 kapag iniutos ang mga medikal na kinakailangang serbisyo at/o nai-refer ng isang lisensyadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
Saan ako puwedeng magpa-test/magpasuri/magpagamot para sa COVID-19 sa ilalim ng saklaw ng plano ko?
Ang mga medikal na kinakailangang dayagnostikong pagsusuri, medikal na pagsasala na serbisyo, at/o paggamot para sa COVID-19 at ang nauugnay na pagbisita sa doktor ay sasaklawin kapag ang mga ito ay iniutos, nai-refer, at/o isinagawa sa mga sumusunod na In-Network na lokasyon:
- Klinika ng Doktor/Practitioner
- Independent na Laboratoryo/Diagnostic na Pasilidad
- Pasilidad para sa Agarang Pangangalaga
- Emergency Department na Pasilidad
Hindi ka ba sigurado kung na-expose ka sa COVID-19 o namemeligro ka bang mahawaan nito? Mag-iskedyul ng virtual na pagbisita para sa pangangalaga sa isang provider. Isa itong magandang opsyon para sa hindi agarang pangangalaga para limitahan ang posibleng exposure sa klinika ng doktor o iba pang pasilidad ng pangangalagang pangkalusugan.
Kailangan ko bang bayaran ang anumang mula sa sariling bulsang gastusin para sa pag-test/pagsusuri/paggamot para sa COVID-19?
Hindi. Saklaw namin ang mga medikal na kinakailangang dayagnostikong pagsusuri, medikal na pagsasala na serbisyo, at/o paggamot para sa COVID-19 at wala kaming sisingilin sa iyo, kapag ang mga naturang serbisyo ay iniutos at/o nai-refer ng isang lisensyadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Kung naaangkop, isasantabi ang copayment, coinsurance, at/o deductible na cost-sharing ng iyong plano para sa medikal na kinakailangang diagnostic na pag-test, medikal na pagsusuri, at/o paggamot para sa COVID-19, pati na ang nauugnay na pagbisita sa doktor.
Kung kailangan kong gamutin dahil sa coronavirus, saklaw ba iyon ng plano ko?
Ang anumang medikal na kinakailangang paggamot na nauugnay sa COVID-19 ay ikokonsidera bilang isang saklaw na benepisyo. Nakatuon kaming tiyakin ang access sa mga serbisyo sa paggamot para sa COVID-19 alinsunod sa pederal at pang-estadong batas.
Mare-refill ko ba ang aking mga inireresetang gamot bago ang petsa ng pag-refill?
Oo, mare-refill ng mga miyembro ang mga inireresetang gamot bago ang petsa ng pag-refill.
May mga istratehiya ba para makaangkop sa COVID-19 outbreak?
Puwedeng tumindi ang pag-aalala at pagkabalisa dahil sa pagkalat ng COVID-19. Natural ang pag-aalala para sa mga kaibigan at kapamilya na nakatira sa mga lugar kung saan kumakalat ang COVID-19 o ang pag-aalala tungkol sa paglala ng sakit.
- Pangalagaan ang iyong katawan. Huminga nang malalim, mag-stretch o mag-meditate.
- Kumonekta sa iba. Ibahagi ang iyong mga alalahanin at kung ano ang nararamdaman mo sa mga kaibigan o kapamilya. Magpanatili ng magagandang ugnayan, at magkaroon ng pag-asa at positibong pag-iisip.
- Ibahagi ang mga impormasyon tungkol sa COVID-19 at ang mga aktwal na peligro sa iba. Hindi itinuturing na peligro sa iba ang mga taong lampas 14 na araw na simula noong nakabalik mula sa mga lugar kung saan kasalukuyang kumakalat ang sakit at hindi nagpapakita ng mga sintomas ng COVID-19.
- Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang mga mungkahi ng CDC para sa kalusugan sa pag-iisip at pag-angkop sa panahon ng COVID-19
Para sa higit pang impormasyon, kabilang ang mga anunsyo sa pagbibiyahe, pakibista ang cdc.gov.